Press "Enter" to skip to content

IQF: Bigyang Saysay ang Party-list System

Ang party-list system ay isang paraan upang mabigyan ng boses sa paggawa ng mga batas ang mga mula sa “marginalized and underrepresented” (hindi napapansin at hindi napakikinggan) na mga sektor. Tugón ito sa pamamayagpag ng malalaking partido pulitikal na may makinarya para makakuha ng puwesto sa lehislatura, ang sangay ng gobyernong gumagawa ng mga batas.

Ayon sa Republic Act (RA) No. 7941 o ang Party-List System Act na ipinasá noong 1995, ang mga kinatawan ng mga party-list groups ay kapantay ng mga kinatawan ng mga distrito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso (o House of Representatives). Pero hindi katulad ng mga district representatives, ang mga party-list representatives ay inaasahang magpanukala ng mga batas na may kinalaman sa interes ng sektor o partidong kinakatawan nila.

Sa darating na eleksyon sa Mayo 2025, aabot sa 156 party-list groups ang tatakbo. Kasabay ng pagpapalit ng mga kongresistang nagtatapos ang termino kada tatlong taon, sila ay mag-aagawan sa mga puwestong nakalaan para sa party-list organizations. Ngunit nauunawaan ba ng mga botanteng Pilipino ang party-list system? Ilalatag sa isyung ito ng Intersect Quick Facts (IQF) ang ilang dapat malaman tungkol sa party-list system na makatulong sa iyong pagboto sa darating na eleksyon.

Available sa tatlong wika: Filipino, English, at Cebuano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *