Note: On June 27, 2024, Dr Anna Marie Karaos, former Executive Director of ICSI and now Program Consultant, was conferred the honorary degree of Doctor of Humanities (Honoris Causa) during the 2024 Commencement Exercises of the Ateneo de Naga University. Below is her full commencement speech. (Photo taken from the ADNU Facebook page.)
Marahay na aga sa indong gabos! Magandang umaga minamahal kong graduating class of 2024. Thank you to the Ateneo de Naga University Board of Trustees and the university community for the honor of allowing me to address the graduating class of 2024.
Being here today reminds me of my college graduation 45 years ago. Ganoon na katagal, mga graduates, kaya parang lola nyo na akong nakikipag-usap sa inyo. The years I spent in college, from 1974 to 1979, were very troubled years for our country. I trust that you know why. In less than a decade since my college graduation, our country’s political order changed from a dictatorship to a peaceful transition to democracy following the 1986 people’s revolt. Today, many of our kababayan belittle the significance of that people’s uprising. They look back and say, “parang wala namang nagbago talaga; mahirap pa rin ang bayan, marami pa ring naghihirap, talamak ang korapsyon, at hindi mapalitan ang mga pulitikong walang malasakit sa taong-bayan.”
However, they forget that had that peaceful revolt not succeeded in ending dictatorial rule, what economists have called “two decades of lost development” early 1980s to the mid-2000s would have continued longer, and who knows if or when the Philippines would have graduated from being the “sick man of Asia.” No matter how riddled with imperfections our democracy is, we can at least change our leaders peacefully. We still elect autocrats, who use their power to emasculate our freedoms, steal from the citizens, and take advantage of the weak, or even kill them. But at least they can only stay in power for a limited term as long as our constitution remains in force.
Today, you harbor dreams for yourself, your family, your future family. But know that the chances of those dreams becoming a reality depends on the state of democracy and governance in our country. Your dreams will not be built on clouds but on the realities of the state of our people’s capacities, their education, health, and livelihoods. Matutuklasan ninyo, kapag kayo ay nagtatrabaho na at nagkapamilya, kung gaanong pahirap nang pahirap makayanan ng mga ordinaryong Pilipinong bigyan ng mahusay na edukasyon, disenteng pabahay at sapat na health care ang kanilang mga pamilya. Sa aking palagay, malaki ang kinalaman nito sa lagay ng pulitika at demokrasya sa ating bayan.
Your generation confronts many challenges in our public life that impinge on your personal lives. I can name at least three: ecology, truth, and democracy. Young people like you probably relate more easily with the first two, than with the last. Yours is a “woke” generation, more socially and environmentally aware and sensitive to the values of equality, diversity, inclusion and care for the environment. You are conscious of the perils of misinformation and disinformation and may in fact be active advocates of defending the truth in social media.
Let us not minimize, however, the seriousness of the crisis of governance and democracy, and its immense power to shape the quality of life of our families and communities. Sa aking pananaw ang kalidad ng demokrasya ay masusukat sa kalayaan ng mga pangkaraniwang Pilipinong makamtan ang mga kailangan nila upang umunlad ang kanilang mga pamilya at pamayanan. Maraming Pilipino ang hindi nakatatamasa ng ganitong kalayaan ngayon.
Pahintulutan sana ninyong pag-usapan ko nang kaunti kung paano sinubukan ng aming henerasyong iparamdam sa mga mamamayan ang mga bentahe ng isang demokratikong lipunan.
Kinukuwento ko ito sa inyo dahil alam kong hindi marahil ito naging laman ng mga history books na inyong nabasa bilang mga mag-aaral. Subalit bahagi ito ng kwento ng ating demokrasya na patuloy nating sinusulat at ginuguhit hanggang sa kasalukuyan.
Sa ilalim ng pamahalaan ng Pangulong Cory Aquino, dalawang mahahalagang adbokasiya ng mga maralitang sektor ang naisabatas, ang Comprehensive Agrarian Reform Law noong 1988 na nagpamahagi ng mga lupain para sa mga magbubukid, at ang Urban Development and Housing Act noong 1992 na nagsabatas ng mga regulasyon upang gawing makatao ang mga demolisyong ginagawa sa mga tinitirhan ng mga maralitang taga-lungsod. Kakaiba ang naging proseso ng pagsasabatas sa kanila, kakaiba dahil sa pakikilahok ng mismong mga samahang kinabibilangan ng mga magsasaka at mga maralitang tagalungsod. Kasama nila ang mga NGO at mga taong simbahang sumuporta at sinabayan ang kanilang mga pagkilos sa pangungumbinse sa mga mambabatas.
Noon namang panguluhan ni Pangulong Fidel Ramos, nagsulong ang mga batayang sektor ng isang Social Reform Agenda, na dumaan sa mahabang proseso ng kumbinsihan sa pagitan ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor at ng mga namumuno ng mga ahensiyang gobyerno. Nagbunga ang prosesong ito sa pagsasabatas noong 1998 ng Social Reform and Poverty Alleviation Act na nagtatag ng National Anti-Poverty Council. Bago nito ay naisabatas rin ang Indigenous People’s Rights Act na nagpatibay ng karapatan ng mga katutubo sa kanilang ancestral domain; ang Fisheries Code na nagtakda ng eksklusibong karapatan ng mga maliliit na mangingisda sa tinaguriang municipal waters, ang pag-repeal o pagsasawalang-bisa ng Presidential Decree 772 upang hindi na maging criminal offense ang pagiging isang iskwater o informal settler.
Noong panguluhan ni Pangulong Noynoy Aquino, nagsagawa ng Bottom-up budgeting upang makalahok ang mga citizens groups, sa pagpapanukala ng mga proyektong maaring isagawa sa kanilang mga komunidad na popondohan ng gobyerno. Sa ilalim ng DILG na pinamunuan noon ni Secretary Jesse Robredo, nagbigay ng suporta ang gobyerno sa mga tinatawag na “people’s plan” o mga community-led housing projects” para sa mga maralitang-tagalungsod, tulad ng mga nasa estero at sa tabi ng Ilog Pasig sapagka’t may mandamus ang Supreme Court na sila ay paalisin at ilipat sa mas ligtas na mga lugar.
Ano ang punto ng mga kwentong ito? May mga naging tagumpay tayo sa pagpapalalim ng demokrasya sa ating bansa. Hindi ganap na totoo ang mga naratibo na pagkatapos ng 1986 ay bumalik lang ang Pilipinas sa dati. Subalit, totoo rin naman na marami pang kulang sa ating demokrasya. Ang anumang naipapanalong pagbabago ay dapat tuluy-tuloy at ipinatutupad ng mga mahuhusay na institusyon. Marami pa tayong dapat isaayos at baguhin, sa pagpapatakbo ng mga pampublikong institusyon upang tuloy-tuloy na makamit ang mga layunin ng Social Reform Agenda.
Mga minamahal kong kabilang sa class 2024, nawa’y kasama sa inyong mga pangarap ang pagpapahusay ng pamamahala sa ating bayan. Napakaganda kung marami o ilan sa inyo ay magsisilbi sa gobyerno. Kung doon kayo mapadpad o ito ang mapili ninyo, sikapin ninyong mapahusay ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan, upang maparamdam sa kanila ang bunga ng demokrasya.
Kung nasa labas naman kayo ng pamahalaan, makatutulong pa rin kung sasapi kayo sa mga advocacy groups na nagsisikap gawing mas epektibo ang mga polisiya sa edukasyon, kalusugan, hanapbuhay, environmental protection, pabahay, mahaba ang listahan, kayo na ang pumili.
Dito sa Naga ay mayaman ang karanasan sa tinaguriang participatory democracy, sa mga institusyong tulad ng Naga people’s council. Sa pagkakaalam ko, dumarami ang mga lungsod na sumusubok sundan ang halimbawa ng Naga. Tahimik ang paglaganap ng ganitong mga institusyong nagbibigay-buhay sa demokrasya sa ating bansa.
My dear graduates, you will have many years to enjoy this imperfect democracy if you are not complacent, if you do not take for granted the freedoms and the restraints on power that will protect you and your future children against arbitrary and oppressive rule. Kilalanin at pagyamanin kung ano ang naipanalo na natin. Huwag tayong panghinaan ng loob. Kung minsan, nadadapa tayo, nakapaghahalal tayo ng mga hindi tamang mga mamumuno sa atin. Madapa man tayo, may susunod namang eleksyon at may pagkakataong mas pagbutihin ang paghahanda upang makahalal ng mga higit na karapat-dapat.
Ilang mga pakiusap mula sa lolang ito. Be politically aware and vigilant. Build solidarity with people who like you want to improve the quality of governance in our country. Elections are very important. The kind of leaders we elect determine if the reforms planted by those who fought for them will prosper or will die a natural death. But in between elections, we must continue the conversations about the state of our democracy, with friends, within households, communities, hobby clubs, and all sorts of social groups. Sana kahit paminsan-minsan, maging laman ng mga pag-uusap natin ang lagay ng ating bayan.
Stay close to people who struggle. Natututo tayo kung paanong hindi maubusan ng pag-asa mula sa mga taong nakikibaka. Kilalanin ang mga maliliit na pagbabago at mga pang-araw-araw na bayani. Isa sa mga dahilan na hindi ako nauubusan ng pag-asa para sa ating bayan ay dahil may mga nakilala akong mga lider ng mga maralitang tagalungsod, sila Ka Jose, Ate Vangie, Aling Mena, Ate Silda, at marami pang iba. Ang mga lider na nakilala ko ay nanatiling malapit sa kanilang mga pinamumunuan. Humaharap sila sa mga may kapangyarihan, nang mga kumpiyansa sapagkat alam nila na ang ipinaglalaban nila ay ang kapakanan at buhay ng kanilang mga kapitbahay. Ramdam nila ang pang-araw-araw na alalahanin at mga pangarap ng mga ito. Magandang tanungin ang ating sarili paminsan-minsan, ang mga pangarap ko ba ay kasali ang aking mga katrabaho, kapitbahay, at kababayan. Ang mga lider na nakilala ko ay ganoong uri ng mga lider, nangagarap kasama at para sa iba. Kaya hindi sila nauubusan ng pag-asa. Kung kayo ay maging lider ng Samahan o institusyon, nawa’y maging ganito rin kayong uri ng lider.
May isang lumang pelikula noong kapanahunan naming ang pamagat ay “Ganito kami noon, Paano kayo ngayon?” Ganyan ang aking tanong sa inyo.
Ngayong nagsasalita ako sa harap ninyo, puno ako ng pag-asa sapagkat tiwala akong kayong mga kabataan ng henerasyong ito ay dudugtungan ang aming mga ipinagpatuloy mula naman sa mga nauna sa amin, sa pagtatanggol ng ating demokrasya at gawin itong mas ramdam at makahulugan sa ating mga kababayan. Ang mga nauna sa amin ay hindi inakala o pinaginipan man lang na magaganap ang pag-aalsa ng mga tao noong 1986. Kami naman ngayon, hindi namin kayang panaginipan kung paano ninyo itutuloy ang pakikipaglaban para sa demokrasya. Tiwala ako na iguguhit ninyo ang sarili ninyong kasaysayan ng demokrasya, sa inyong natatanging paraan. Ang bawat isa sa inyo ay pipili kung sasama ba kayo sa pagguhit ng kasaysayang iyan at paano. Puno ng pag-asa dahil sa inyo, mga Kabataan ng class 2024, humaharap ako sa kinabukasan na alam kong uusad tayong pasulong, hindi paurong, tungo sa isang matatag at makahulugang demokrasyang Pilipino.
Mahal na Birheng Nuestra Senora de Penafrancia, gabayan at patnubayan mo kami.
Magandang umaga sa ating lahat. Dios mabalos.
Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.